Naghain ng panukala si North Cotabato 3rd District Representative Ma. Alana Samantha Taliño-Santos upang pahintulutan ang flexible work arrangements para sa mga empleyadong buntis o kapapanganak pa lamang.
Sa House Bill 8471 o Pregnant Women’s Welfare Act, ang mga nagdadalang-tao at mga bagong nanay ay maaaring mag-work from home o pahintulutan na mai-adjust ang oras ng time-in at time-out schedules.
Titiyakin din dito ang security of tenure ng naturang empleyado at hindi dapat gawing basehan sa demotion o termination.
Punto ng lady solon, maselang sitwasyon para sa mga kababaihan ang pagbubuntis.
At bilang mahalagang bahagi ng “labor force” importanteng masuportahan sila, lalo na sa panahon ng kanilang pagbubuntis at post-natal.
Katunayan, batay aniya sa ilang pag-aaral, ang mga ganitong hakbang ay nagkakaroon ng positibong epekto sa kabuuang “work productivity” nila dahil nababawasan ang pagliban sa trabaho, at napagbubuti ang “employee satisfaction and retention.” | ulat ni Kathleen Jean Forbes