Flight at ground operations sa NAIA, pansamantalang sinuspinde

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dalawang beses nabalam ang operasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw.

Ito ay matapos magtaas ng Lightning Red Alert ang Ground Operations and Safety Division ng Manila International Airport Authority (MIAA), kaninang 2:16PM at 2:42PM.

Ayon sa MIAA Media Affairs Division, layon ng pagtataas ng Lightning Red Alert na mapag-ingat ang mga tauhan ng paliparan at mga pasahero nito sa peligrong dulot ng masamang panahon.

Gayunman, balik-normal na ang operasyon ngayon sa NAIA matapos ibaba na sa Yellow ang Lightning Alert sa Paliparan kaninang 2:40PM at 3:10PM.

Bagaman wala namang pag-ulang naranasan sa bahagi ng NAIA, makulimlim naman ang papawirin na tila may pagbabadya ng pagbuhos ng ulan anumang oras. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us