Food packs at non-food items, sapat para sa mga bakwit; DSWD, handa sa Mayon alert level 4

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ayon kay Department of Social Welfare and Development Regional Director Norman S. Laurio, may sapat na food at non-food items ang ahensya para sa mga bakwit kahit pa man tumagal ng higit sa 90 araw ang pag-aalburoto ng Mayon.

Kumpiyansa rin siya na kaya tugunan ng tanggapan ang pangagailangan kahit pa itaas ang estado ng Mayon sa alert level 4.

Maliban sa mga nakaabang na food packs na sobra-sobra sa 90 araw ay hindi pa rin tumitigil ang repacking ng ahensya. Tuloy-tuloy din ang pagdating ng mga ayuda galing sa iba’t ibang grupo at tanggapan. Mismong ang LGUs ay nagbibigay ng ayuda sa mga evacuee.

Samantala, sapat din aniya ang non-food items ng ahensya. May mga sleeping mats, modular tents, hygiene kits at laminated sacks na ipinamahagi sa mga evacuation centers.

Nagtalaga din sila ng mga Children and Women Friendly Spaces sa evacuation centers. Binabalangkas din nila ang programa para sa Cash-For-Work kung saan mabibigyan ng pagkakataon ang mga bakwit mag-hanapbuhay.

Sambit niya, kapuri-puri ang ipinapakitang kolaborasyon at ugnayan ng iba’t ibang ahensya pati na din ng lokal na mga pamunuan sa probinsya para tugunan ang mga pangangailangan ng mga kababayang naapektuhan ng pag-alburuto ng Mayon. | ulat ni Twinkle Neptuno | RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us