Gumagawa pa ng mga adjustments ang Department of Social Welfare and Development para sa food stamp program ng pamahalaan.
Sinabi ni DSWD Undersecretary Edu Punay nilalayon nito na mabigyang kapangyarihan ang mga benepisyaryo at hikayatin ang kanilang aktibong pakikilahok sa nation building.
Nais din nilang mabawasan ang pagdepende ng mga benepisyaryo sa bigay na tulong ng gobyerno.
Mas makakabuti din umano na ma-enroll ang mga ito sa training programs ng Department of Labor and Employment at Technical Education and Skills and Development Authority para magkaroon sila ng kakayahang tumayo sa kanilang sarili.
Sinabi pa ni Punay, isa pang pangunahing feature ng food stamp program ay ang exit mechanism para sa mga benepisyaryo. | ulat ni Rey Ferrer