Gawaing naglalayong mapalaganap ang mga programa a serbisyong pang-agrikultura sa malalayong parte ng CALABARZON, isinusulong

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinusulong ng Department of Agriculture IV-A ang mga gawaing naglalayong mapalaganap ang mga programa at serbisyong pang-agrikultura sa malalayong parte ng CALABARZON.

Ayon sa pabatid ng kagawaran, isa sa mga ito ay ang pagdaraos ng Huntanan sa Kanayunan kung saan bahagi ng aktibidad ang presentasyon ng mga pangunahing programa ng ahensya, pamimigay ng polyetos patungkol sa pagtatanim, paghahayupan at pamamaraan sa pagsasaka at ang Farmers’ Forum na nagbigay daan upang direktang masagot ang mga katanungan hinggil sa karanasan at pagpapaunlad ng gawaing pagsasaka.

Kamakailan ay idinaos ang ika-anim na Huntahan sa Kanayunan na dinaluhan ng 130 magsasaka ng Plaridel, Quezon.| ulat ni Tom Alvarez| RP1 Lucena

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us