GSIS AT SSS, maaaring mamuhunan sa mga proyektong bubuhusan rin ng pondo ng Maharlika Investment Corporation — Senador Joel Villanueva

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilinaw ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na tama ang naging pahayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno tungkol sa maaaring pag-iinvest ang Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS) sa isang proyekto katuwang ang Maharlika Investment Corporation (MIC).

Ayon kay Villanueva, dati na namang nag-iinvest ang GSIS at SSS sa mga iba’t ibang mga proyekto para kumita ang pension funds ng kanilang mga miyembro.

At walang nakasaad sa ipinasa nilang bersyon ng MIF bill na magbabawal sa GSIS at SSS na mamuhunan sa mga proyekto na pag-iinvest-an rin ng MIC.

Binigyang-diin ng senador na ang mariin nilang pinagbawal sa MIF bill ay ang paglalagay ng pondo ng GSIS, SSS at iba pang pension funds sa mismong Maharlika Investment fund o sa magiging kapital ng MIC.

Giniit rin ng majority leader na ang mga proyekto lang na maaaring pag-investan ng MIF ay ang mga proyektong isinusulong ng administrasyon at aprubadong viable ng National Economic and Development Auhtority (NEDA) at iba pang approving agencies.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us