Nakatakdang ipatupad ang gun ban para sa seguridad sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa October 30.
Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), magsisimula ito sa August 28 at magtatapos sa November 29.
Sa mga nabanggit na araw, hindi papayagan ang pagbibitbit ng baril o pampasabog sa labas ng tirahan at pampublikong ugar.
Hindi rin papayagan ang pag-avail ng serbisyo ng mga security personnel at bodyguard pati na rin ang pag-deliver ng baril kasama ang mga bala at piyesa nito.
Ang mga lalabag ay maaaring makulong ng hindi bababa sa isang taong ngunit hindi lalampas ng anim na taon nang walang probation.
Patuloy na tumatanggap ng application para sa Certificate of Authority for Gun Ban ang Commission on the Ban on Firearms and Security Concerns hanggang November 15.| ulat ni Bernard Jaudian Jr.