Halos 12,000 trabaho, bubuksan sa gagawing Independence Day Job Fair sa Central Luzon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 128 empoyers ang makikibahagi sa isasagawang Independece Day Job Fair sa Central Luzon.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) Region 3, ang mga kompanyang ito ay may dalang 11,714 local vacancies para sa production workers, customer service representatives, quality assurance inspector, sales associate, merchandise/store clerk, sewer, cashier, warehouse personnel, kitchen staff, at service crew.

Ang main job fair site ng Central Luzon ay gagawin sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Malolos, Bulacan.

Ang iba pang job fair sites ay sa:

Bataan – SM City Bataan, Ibayo, Balanga City
Nueva Ecija – Robinsons Townville, Maharlika Highway, H. Concepcion, Cabanatuan City
Pampanga – SM City Telabastagan, City of San Fernando
Tarlac – SM City Tarlac, Tarlac City
Zambales – SM Olongapo Central, Olongapo City

Para naman sa simultaneous flag raising ceremony sa paggunita ng ika-125 na Kasarinlan ng Pilipinas, gagawin ito sa Museo ng Kasaysayan ng Panlipunan ng Pilipinas sa Angeles, Pampanga. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us