Aabot sa 20,788 loose firearms ang nakumpiska ng Police Regional Office sa Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) base sa tala ng Police Intelligence Coordinating Committee na iprinisenta ni PBGEN. Allan Cruz Nobleza sa naganap na Regional Peace and Order Council meeting sa bayan ng Maimbung, Sulu kamakailan.
Ayon kay Nobleza, sa talaan ng Intelligence Coirdinating Committee para sa second quarter ng taon, sa kabuuang bilang 1,796 dito ay mula sa threat groups at lawless elements, habang 2,398 ang mula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF), 1,947 naman ang sa Moro National Liberation Front (MNLF), at 1,544 naman ang mula sa mga magkalabang angkan.
Dagdag ni Nobleza, mayroon din namang natitirang 38,103 attribute firearms sa buong BARMM na subject for Revitalized Oplan Katok ng Philippine National Police (PNP).| ulat ni Mira Sigaring| RP1 Jolo