Nananatiling on track ang pamahalaan sa target nito na 10 porsiyentong paglago ng ekonomiya para sa taong ito.
Ito ay makaraang aprubahan ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang 20 bago at expansion projects ng pamahalaan nitong nakalipas na buwan ng Mayo.
Ayon sa PEZA, inaasahang makapagpapasok ang mga nasabing proyekto ng may P14.9 o halos P15 bilyong halaga ng mga pamumuhunan.
Ayon kay PEZA Director General Tereso Panga, nagresulta ito ng mahigit P48 bilyong kabuuang investment na aprubado ng PEZA mula Enero hanggang Mayo ng taong kasalukuyan.
Mas mataas ito hindi hamak kumpara sa P18.9 o halos P19 bilyong halaga ng investment na kanilang naitala sa kaparehong panahon noong isang taon. | ulat ni Jaymark Dagala