Health caravan at distribusyon ng ayuda, inilunsad ng Philippine Red Cross sa Negros at Maguindanao

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dinala ng Philippine Red Cross ang Health Caravan nito sa dalawang lungsod sa Negros Occidental upang maghatid ng serbisyong medikal sa mga residente.

Umabot sa 675 individuals ang nakinabang sa libreng medical services mula sa Talisay City at Bacolod City.

Kasama sa serbisyo ang medical consultation, dental at optometry care, vital signs check-up, blood typing, hygiene promotion, HIV testing at iba pa.

Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, sa pamamagitan ng health caravan program ay mas nailalapit sa komunidad ang mga serbisyong medikal.

Samantala, isandaan at limampung pamilya naman sa Upi, Maguindanao ang nakatanggap ng food packs mula sa Red Cross.

Katuwang ng PRC ang Qatar Red Crescent at Qatar Fund for Development sa programa para sa mga biktima ng bagyong Paeng na naninirahan pa rin sa tent communities. | ulat ni Hajji Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us