Health conditions ng Mayon evacuees, mahigpit na binabantayan ng LGU sa lugar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniguro ng Albay Local Government na nababantayan ang health conditions ng mga nagsilikas dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Albay Governor Edcel Lagman, na naabisuhan na nila ang provincial health office at mga doktor upang magsagawa ng rounds sa mga center, upang matukoy ang kalagayan ng kalusugan ng mga nagsilikas.

Itinigil na rin muna aniya nila ang regular na medical mission sa lugar, upang nakatutok lamang sila sa pagbabantay sa kalusugan ng mga nananatili sa evacuation centers.

Sa ganitong paraan, maiiwasan rin ang hawaan ng sakit sa hanay ng mga nagsilikas.

“On the average ay mga dalawa na medical mission kami per week throughout Albay. But this time around, it’s a policy now na habang may problema ay wala munang medical missions to be undertaken or conducted para po iyong focus namin ay nasa mga evacuation centers.” — Gov. Lagman

Kaugnay nito, siniguro naman ng opisyal na mayroon ring mga naka-stand by na medical personnel sa evacuation centers. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us