High level security intel, inaasahan ni Pangulong Marcos Jr. mula sa AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang mga hamong kaakibat ng nation building at national security. Ito ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa oath taking ceremony ng mga bagong promote na heneral at flag officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

“But the challenge of nation building and national security is a continuing and fluid one. The hard work will not nod and must not cease.” — Pangulong Marcos Jr.

Dahil dito ayon sa Pangulo, mas mabigat na serbisyo at responsibilidad ang inaasahan ng publiko mula sa kanilang hanay.

“Our nation and the citizenry shall exact and expect from you a heavier responsibility and a more demanding kind of public service that of exemplary leadership and a clear vision for our armed forces.” — Pangulong Marcos Jr.

Madadagdagan pa aniya ito sa harap ng pabago-bagong geopolitics at global security environment.

“This is a new era for the AFP, one that now look outward while also building the gains that we have made internally. With the ever-changing dynamics of geopolitics and the global security environment, more challenges will undoubtedly lie ahead.” — Pangulong Marcos Jr.

Dahil dito, inaasahan rin ng Pangulo ang high security intelligence at analysis mula sa AFP na magsisilbi namang gabay sa pagpaplano at paggawa ng desisyon, bilang Commander in Chief.

Sa gitna ng mga hamong ito, siniguro ni Pangulong Marcos Jr., na patuloy na makakaasa ang AFP ng buong suporta mula sa kaniyang administrasyon. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us