Aabot sa higit 110,000 trabaho ang iaalok sa job fair na idaraos sa iba’t ibang panig ng bansa sa Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12.
Sa ulat ng Department of Labor and Employment, karamihan sa mga available na trabaho ay nasa administrative and support services, manufacturing, wholesale, and retail trade, at repair of vehicles and motor.
Ang bawat rehiyon sa bansa ay magkakaroon ng mga job fair sa iba’t ibang venue na maaaring makita sa website ng DOLE Bureau of Local Employment.
Tinatayang abot sa 48 job fair sites ang bubuksan ng labor department sa lahat ng rehiyon sa araw ng kalayaan. | ulat ni Rey Ferrer