Umaasa ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na magkaroon ng mura at disenteng pabahay ang mga mahihirap na pamilya sa Caloocan City.
Sa ulat ng DHSUD, target ng lokal na pamahalaan na makapagpatayo ng 24 na gusali na housing project sa Bankers at Deparo, Caloocan.
Humigit-kumulang 12,064 pamilya ang inaasahang makikinabang dito.
Matutugunan na rin nito ang housing concerns ng higit sa 20% ng mga residente ng Caloocan.
Isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan na ng DHSUD at Caloocan City LGU kasama ang partner-developer para sa pagpapatayo ng housing units sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Program. | ulat ni Rey Ferrer