Higit 300 rockfall events, naitala sa Mayon Volcano

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling mataas ang bilang ng rockfall events na namo-monitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Bulkang Mayon.

Batay sa 24 hour monitoring ng PHIVOLCS, aabot sa 301 na rockfall events ang naitala sa bulkan.

Bukod dito, mayroon din isang volcanic earthquake at dalawang pyroclastic density current events o pagdausdos ng magkahalong abo, mainit na bato, at volcanic gas sa Bulkang Mayon.

Nagpapatuloy rin ang lava flow na umabot sa hanggang 1.5 kilometro ang haba at nagkaroon din ng pagguho ng lava hanggang 3.3 kilometro patungo sa Mi-isi at Bonga Gullies.

Nananatili namang mababa ang gas output o ang ibinubugang asupre (sulfur dioxide) na nasa 389 tonelada lamang.

Mayroon ding naitalang pagsingaw na 800 metro ang taas habang patuloy rin ang pamamaga ng bulkan.

Sa ngayon, nasa ilalim pa rin sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us