Umabot sa kabuuang 64,420 examinees ang nakapasa sa Career Service Examination-Pen and Paper Test na isinagawa sa buong bansa noong Marso 26, 2023.
Ayon kay Civil Service Commission Chairperson Karlo Nograles, ang nasabing bilang ay kumakatawan sa 16.88% passing rate.
May 54,478 examinees o 16.42% mula sa kabuuang bilang ang nakapasa sa CSE Professional Level.
Habang 9,942 examinees naman o 19.97% ang nakapasa sa Sub-Professional Level.
Ang National Capital Region ang nakakuha ng highest number ng mga pumasang examinees na may 16,682 passers sa parehong lebel.
Sumunod ang Regions 4 at 3 na may 7,730 at 5,072 total passers.
Ang kumpletong listahan ng mga pumasa ay makikita sa CSC website na www.csc.gov.ph. | ulat ni Rey Ferrer