Higit 65 pasahero at tripolante nailigtas mula sa nasunog na pampasaherong barko na padaong sa Tagbilaran City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard at emergency responders ng lalawigan ng Bohol ang hindi bababa sa 65 katao na sakay ng M/V Esperanza Star na pagmamay-ari ng Kho Shipping Line.

Ayon sa PCG 7, isang kilometro na lamang ang layo ng nasabing pampasaherong barko mula sa Tagbilaran City Port nang magsimulang umusok at tuluyang mag-apoy, alas-3:50, Linggo ng madaling araw, June 18, 2023.

Ayon kay Bohol Provincial Disaster Risk Reduction Management Office chief Anthony Damalerio, ligtas na nakarating sa Tagbilaran port ang lahat ng pasahero at tripolante ng barko.

Bukod sa PCG at PDRRMO emergency responders, nagbayanihan din upang sumaklolo ang mga bangkang pangisda maging ang dumaang pampasaherong barko ng Trans Asia.

Ang M/V Esperanza Star ay may rutang Iligan City sa Mindanao, Lazi sa lalawigan ng Siquijor, Tagbilaran City sa lalawigan ng Bohol, at Cebu City.

Padaong na sana ito sa Tagbilaran, sa kalapit na Doljo Point ng Panglao Island nang sumiklab ang apoy. Kasalukuyang iniimbestigahan ang sanhi ng sunog. | ulat ni Jessa Agua-Ylanan | RP1 Cebu

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us