Higit 70 rockfall events, naitala sa Mayon Volcano

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling mataas ang bilang ng rockfall events na naitatala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Bulkang Mayon.

Batay sa 24hr monitoring ng PHIVOLCS, aabot sa 74 na rockfall events ang naitala sa bulkan.

Wala namang naitalang volcanic earthquake habang nananatiling mababa ang gas output o ang ibinubugang asupre (sulfur dioxide) na nasa 208 tonelada lamang, mas mababa sa baseline ave­rage na 500 tonelada kada araw.

Mayroon ding naitalang pagsingaw na 200 metro ang taas habang patuloy rin ang pamamaga ng bulkan.

Sa ngayon, nananatili pa rin sa Alert level 2 ang Bulkang Mayon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us