Higit P1-M halaga ng shabu, nasabat sa Sariaya, Quezon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Higit-kumulang 56 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1,142,400 ang nakumpiska sa isinagawang buy-bust operation ng Sariaya Municipal Police Station.

Kasabay nito ang pagkaaresto sa dalawang drug personality na sina Rommel Rejano, 31 taong gulang at Rose Ann Oabel, 24 taong gulang at kapwa residente ng Brgy. Dalahican, Lucena.

Ayon kay Quezon Police Provincial Office Provincial Director PCol Ledon Monte, ang dalawa ay kabilang sa itinuturing na High Value Individual ng Sariaya, Quezon.

Nakakulong na ngayon sa Sariaya Municipal Police Station ang dalawa habang inihahanda ang isasampang kaso dahil sa paglabag sa Republic Act 9165. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us