Bibilisan ng Department of Health (DOH) ang pagpuno sa 4,800 bakanteng posisyon para sa mga nurse sa DOH hospitals sa buong bansa.
Sa ganitong paraan ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, mapaiigting pa ang serbisyo sa mga pagamutan ng pamahalaan.
Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ng kalihim na makikipag-ugnayan rin siya sa Department of Budget and Management (DBM), upang mapag-okusapan kung paano maitataas ang sweldo ng healthcare workers sa bansa.
“Makikipag-usap ako sa ating DBM secretary and find out kung ano pa ang puwede nating gawin ‘no na madagdagan ang benefits, kung hindi man mataas ang salary, mabigyan ng additional benefits ang ating health care workers sa amount na tama lang at hindi na sila aalis at pupunta sa ibang bansa.” — Secretary Herbosa
Sa ganitong paraan, mai-engganyo ang mga ito na huwag nang mag-abroad at dito na lamang magtrabaho sa Pilipinas.
Bukod dito, kakausapin rin si Secretary Herbosa ang mga mambabatas kaugnay sa mga paraan na dapat ipatupad, lalo’t kailangan aniya na patas ang sweldo ng pampubliko at pribadong nurse sa bansa.
“Siguro iyong mga board-eligible, iyong naka-graduate na ng four-year degree, pero siguro hindi pa nakapasa na puwedeng ma-hire sa government even without their license and then gawin silang board-eligible category na bigyan sila ng panahon like three to five years na ipasa iyong kanilang board exam. Kasi nagpupunta itong mga health care workers na ito sa BPO industry, sa tourism, eh sayang kahit nangangailangan tayo ng nurses.” —Secretary Herbosa | ulat ni Racquel Bayan