House appro chair, aabangan ang 2024 budget at program proposals ng dalawang bagong kalihim ng DND at DOH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome para kay House Appropriations Committee Chair at AKO BICOL party-list Rep. Elizaldy Co ang pagkakatalaga nina Health Sec. Ted Herbosa at DND Sec. Gibo Teodoro bilang bagong miyembro ng gabinete.

Aniya, kaniyang aabangan ang nalalapit na budget presentation ng dalawang ahensya sa pamumuno ng kanilang bagong mga kalihim.

Umaasa si Co na sa deliberasyon ng 2024 budget ay mailatag din nina Herbosa at Teodoro ang kanilang action plan para sa iba’t ibang hamon at isyu na kinakaharap ng kanilang mga departamento.

Kumpiyansa rin ang kinatawan na bilang kapwa matagal nang naglilingkod at may karanasan sa public health at security ay batid na ng dalawang opisyal ang pangangailangan ng Bicol region pagdating sa serbisyong pangkalusugan, pagsugpo sa insurgency at pagpapanatili ng peace and order.

“Both Secretary Herbosa and Secretary Teodoro are quite familiar with the public health and security situations in the Bicol Region. Secretary Herbosa is well aware of the importance of the Bicol Medical Center and other regional DOH hospitals, as well as the crucial need for regional specialty hospitals to give Filipinos in the provinces the same high level of tertiary care that is available in Metro Manila. Having led the DND before, Secretary Teodoro is also aware of what needs to be done to address the peace and order and insurgency situations in Bicol and other parts of the country.” saad ni Co

Makakaasa rin ang dalawang kalihim ng suporta mula sa liderato ng Kamara sa pagkamit ng kani-kanilang mga programa.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us