House Blue Ribbon Committee, isa sa mga komite na nais salihan ni Rep. Tulfo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais na maging miyembro ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo ng House Committee on Good Government and Public Accountability o katumbas ng Blue Ribbon Committee.

Ayon sa bagong miyembro ng Kamara, sa pamamagitan nito ay maaaring ma-monitor kung nagagawa ba ng government agencies ang kanilang mandato.

Paraan din aniya ito upang mabantayan din ang ilan sa pribadong sektor na may direktang epekto sa taumbayan.

Nilinaw naman ni Tulfo na bago siya makabahagi sa mga committee at plenary deliberations ay kailangan muna na maresolba ang nakahaing motion for reconsideration kaugnay sa disqualification case laban sa kaniya na kasalukuyang dinidinig ng COMELEC en banc.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us