House Speaker Romualdez, hangad ang mas marami pang PPP project

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa si House Speaker Martin Romualdez na darami pa ang infrastructure projects sa bansa sa ilalim ng public-private partnership na aniya’y susi sa modernisasyon ng ating imprastraktura na magreresulta sa pag-unlad at pagganda ng buhay ng mga Pilipino.

Ginawa ni Speaker Romualdez ang panawagan sa pagpapasinaya ng ikatlong Candaba Viaduct project katuwang ang NLEX Corp. na ginanap sa Brgy. Dulong Malabon sa Pulilan, Bulacan.

Target na makumpleto ang proyekto sa November 2024 kung saan magdaragdag ng inner at outer shoulders sa magkabilang direksyon sa kasalukuyang three lanes.

Inaasahan na mapapabilis nito ang biyahe ng 60 hanggang 80 kilometro kada oras mula sa kasalukuyang 40 hanggang 60 kilometro kada oras.

1970s pa nang itayo ang 5-kilometrong viaduct na bumabagtas sa Candaba Swamp at Bulacan at Pampanga na may 2 by 2 o tig-dalawang lanes.,

Taong 2017 naman nang i-convert ito sa 2 by 3 lanes upang mas mapalaki ang kapasidad at nagbibigay serbisyo ngayon sa may 80,000 na motorista kada araw.

Naniniwala si Speaker Romualdez na hindi lamang nito mapaghuhusay ang transportation network ngunit makatutulong din sa pangkabuuang socio-economic development ng rehiyon dahil sa dala nitong dagdag trabaho, investment at economic growth.

“The Candaba Third Viaduct serves as a symbol of the fruitful partnership between the government and the private sector. It is a testament to what we can achieve when we work together towards a common goal…This project, with the support of President Bongbong Marcos, is a significant component of the government’s Build Build Build program,” ani Romualdez.

Pinasalamatan naman ng House leader si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. para sa kaniyang suporta sa pagpapabuti ng iba’t ibang imprastraktura sa bansa.

Kinilala din ng House leader ang pagsusulong ng mga kinatawan ng Pampanga ngayong 19th Congress, sa pangunguna nina Senior Deputy Speaker Dong Gonzales, Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, at Representatives Jon Lazatin at Anna York Bondoc, upang maisakatuparan ang proyekto sa pinakamabilis na panahon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us