House Speaker Romualdez: Pagpataw ng panibagong suspensyon kay Rep. Teves, trabaho lang

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang halong pamemersonal ang panibagong disciplinary action na ipinataw ng Kamara laban kay Negros Oriental 3rd District Representative Arnulfo Teves Jr.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, ginagampanan lamang ng Kapulungan ang tungkulin sa taumbayan at pinoprotektahan ang integridad ng institusyon.

“Hindi natin papayagan na sirain ninuman ang integridad ng Kongreso. Walang personalan dito. Ginagawa lamang natin ang sinumpaan nating tungkulin at pangako sa sambayanan,” sabi ni Romualdez sa kaniyang talumpati bago ang sine die adjournment ng Kongreso.

Paalala pa ng House leader, na bilang mga kinatawan ay may pananagutan sila sa mga Pilipino na gampanan ang kanilang mandato na maglingkod na may integridad at buong katapatan.

“I would like to reiterate that as members of this House, we must be accountable to the people at all times and perform our legislative mandates with utmost competence, efficiency, effectiveness, integrity and fidelity to the people’s welfare – nothing less. Let this be a reminder to all of us,” saad ng House leader.

Panibagong 60-day suspension ng ipinataw ng Mababang Kapulungan kay Teves dahil sa patuloy nitong unauthorized absence.

Kasabay ding sinuspinde ang kanilang rights at privileges bilang mambabatas, at tinanggal ang kaniyang committee membership. |ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us