House tax chief pinapiruhan ang BIR sa pagsasampa ng kaso laban sa mga kompanyang gumagamit ng ghost receipts

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapurihan ni House Ways and Means Chair Joey Salceda ang pagtugis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga sangkot sa paggamit ng ghost receipts para makatakas sa pagbabayad ng buwis.

Ito’t matapos mag hain ng kaso ang ahensya sa pangunguna ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. laban sa tatlong kompanya na may P18billion tax liability dahil sa paggamit ng ghost receipts.

“I commend Commissioner Romeo Lumagui Jr. for his aggressive campaign to stamp out large-scale tax fraud. The BIR filed one of its largest tax liability cases with the Department of Justice today. It signals a commitment to run after big-time tax evaders.” ani Salceda

Ipinapakita lamang aniya nito na hindi na lang aniya ito simpleng tax evasion ngunit isa nang economic sabotage dahil sa tahasang pag labag sa tax laws ng bansa.

“The magnitude of these cases demonstrates that this is no longer mere tax evasion. This is economic sabotage and a systematic attempt to undermine the tax system of the country. Taxes are the lifeblood of the government, as jurisprudence establishes. Fraud of this scale seriously injures our ability to serve the needs of our people.” diin ng Albay 2nd district solon

Bunsod nito mas lalo aniyang napapanahon na pagtibayin ang House Bill No. 8144, o Anti-Tax Racketeering Act.

Ang tax racketeering ay ang krimen kung saan pinagsama-sama ang magkaka-ugnay na paraan upang maiwasan o matakasan ang dapat na bayarang buwis na ang halaga ay P10 milyong pataas gamit ang mga pekeng resibo, rekord at iba pang dokumento.

Ang parusa ay 17 hanggang 20 taong pagkakakulong.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us