Hukom na humahawak sa huling kaso ni dating Sen. Leila de Lima, nag-inhibit

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling magsasagawa ng raffle ang Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 256 na siyang humahawak sa huling kaso laban kay dating Senator Leila de Lima.

Ito ang kinumpirma ni Branch 256 Presiding Judge Romeo Buenaventura makaraang ihayag nito ang kaniyang pag-iinhibit sa kaso ng dating senador.

Ayon kay Buenaventura, dahil sa mga paghihinala ng mga akusado na wala namang batayan ay nabahiran na ang integridad gayundin ang pagiging patas ng korte.

Magugunitang naghain na rin ng kani-kanilang motion for inhibition ang iba pang kasama ni De Lima sa kaso tulad ng dating Driver/Bodyguard nito na si Ronnie Dayan, Jonnel Sanchez at dating Bureau of Corrections Director Franklin Bocayu. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us