Huli ng tilapia sa Batangas, hindi pa apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Taal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi nakaapekto sa huli ng mga harvester ng tilapia sa Laurel, Batangas ang pag-aalburoto ng Bulkang Taal at nagdaang bagyo.

Ayon kay Mean Gonzales Gapi, ang namamahala ng Sto. Niño Harvester, nagiging matumal lang naman ang huli ng tilapia kapag may mga isdang labas o nahuhuling isda mula Norte.

Sa ngayon aniya ay mababa pa ang presyo ng kada kilo ng tilapia sa Taal Lake Central Fish Port na naglalaro sa ₱93 – ₱94 at ibinabagsak sa Malabon at Navotas fish port sa Metro Manila.

Buwan buwan din ani Gapi ay may harvesting hindi lamang ng tilapia, maging ng bangus sa naturang fish port. | ulat ni Hazel Morada

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us