Hungary, nangangailangan ng nasa 3k Filipino Skilled Workers — DMW

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangangailangan ang bansang Hungary ng nasa tatlong libong manggagawa sa manufacturing industry sa kanilang bansa.

Ayon sa Department of Migrant Workers o DMW, aabot sa ₱50,000 o higit pa ang suswelduhin ng mga OFW na matatanggap sa nabanggit na bansa mula sa ibat ibang kumpanya na kabilang sa kanilang manufacturing industry.

Samantala muli namang nagpaalala ang DMW sa publiko na makipag-ugnayan lamang sa lehitimong recruitment agencies hinggil sa naturang hiring program ng Hungary.

Magtungo lamang sa tanggapan ng Department of Migrant Workers para sa iba pang impormasyon at katanungan. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us