Ibang tourism activities sa Taal, bawal na muna — DOT

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inabisuhan ng Department of Tourism (DOT) ang publiko tungkol sa pagbisita sa mga tourist destinations sa mga lugar malapit sa Bulkang Taal.

Ipinagbabawal na muna ang boating at iba pang tourism-related activities sa Lawa ng Taal, lalo na ang papasok sa Taal Volcano Island, pagbisita sa main crater nito at sa Daang Kastila fissures.

Generally safe naman, ayon sa DOT, ang iba pang tourism site na nasa labas ng permanent danger zone.

Nakataas pa rin sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal kaya’t pinaalalahanan ng DOT ang mga turista na maging updated sa mga balita at impormasyon tungkol sa pag-aalburoto ng bulkan. | ulat ni Hazel Morada

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us