Sa kabila ng deklarasyon ng pagsisimula ng panahon ng tag-ulan ay dapat pa ring maging alerto at handa ang pamahalaan sa epekto ng nagbabadyang El Niño.
Ito ang ipinunto ni Deputy Speaker at Las Piñas Representative Camille Villar sa paghahain ng House Resolution 1024.
Sa ilalim ng resolusyon ay hiniling ni Villar sa iba’t ibang komite sa Kamara, gaya ng House Committees on Agriculture and Food at Energy na tukuyin ang mga posibleng interventions para maibsan ang epekto ng El Niño at matulungan ang mga maaapektuhang sektor.
Partikular na aniya dito ang agrikultura na posibleng makaapekto sa ating food security.
“Apart from agriculture, water resources, power generation, health and sanitation and other sectors are likely to be impacted by El Niño, and concerned state agencies must prepare to mitigate the impacts of severe weather conditions,” saad ni Villar.
Batay sa pagtaya ng PAGASA, posibleng tumindi pa ang epekto ng El Niño at umabot ng hanggang sa unang quarter ng 2024. | ulat ni Kathleen Jean Forbes