Naglabas ng memorandum ang Office of Civil Defense (OCD) sa OCD Bicol Region at Calabarzon na paigtingin ang kanilang monitoring at koordinasyon sa local Disaster Risk Reduction and Management Councils at support agencies para masiguro ang kaligtasan ng mga komunidad.
Ito’y kaugnay ng tumataas na aktibidad ng Bulkang Mayon na ngayon ay nasa Alert Level 3, at Bulkang Taal na nasa Alert Level 1.
Ayon kay Civil Defense Administrator at National Disaster Risk Reduction and Mabagenent Council (NDRRMC) Executive Director, Undersecretary Ariel Nepomuceno, nakapaloob sa memorandum ang atas na pag-review sa “preparedness measures” ng naturang regional OCD at paghahanda ng kanilang mga kagamitan sa posibleng paglilikas.
Ayon kay Alejandro, pinaghahandaan nila ang iba’t ibang posibleng scenario kung sakaling lumala pa ang pag-aalburoto ng dalawang bulkan.
Ang huling pagputok ng Mayon ay noong 2018 sa pamamagitan ng phreatic explosion, o steam-driven explosion. | ulat ni Leo Sarne