Hindi ri-rebisahin ni Defense Secretary Gibo Teodoro ang nauna nang desisyon ng Duterte Adminstration, na pagbasura sa kasunduan sa pagitan ng Department of National Defense (DND) at University of the Philippines (UP).
Sa ilalim ng ibinasurang kasunduan, ang mga sundalo o police ng estado ay hindi maaaring pumasok sa bisinidad ng UP, kung walang prior notice sa pamunuan ng unibersidad.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng kalihim na maging siya mismo, hindi naniniwala sa mga ganitong kasunduan lalo’t ang ilang lugar ay nagagamit bilang safe haven.
Gayunpaman, nilinaw ng kalihim na hindi ito nangangahulugan na hindi niya kinikilala ang autonomiya ng UP.
Kailangan lamang aniya, ibalanse ng law enforcers ang freedom of expression at pagprotekta sa kapayapaan.
Kung isasabatas aniya ng Kongreso ang kasunduang ito, sila sa DND ay susunod lamang. | ulat ni Racquel Bayan