Ibinebentang murang bigas sa Kadiwa, walang subsidiya mula sa gobyerno — DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang linaw ng Department of Agriculture (DA) na wala itong ibinibigay na subsidiya sa grupo ng mga magsasaka sa Nueva Ecija na nagbebenta ng murang bigas sa Kadiwa.

Ayon kay DA Assistant Secretary Kristine Evangelista, ang ₱25 kada kilo na bentahan ng bigas ay presyo mismo ng mga magsasaka na nagdadala ng bigas sa Kadiwa.

Paliwanag nito, ito ay dahil sa mas mataas na yield ng mga magsasaka at mas mababang production costs.

Una na ring sinabi ni Jimmy Vistar ng Unigrow na inisyatibo nila ang pag-aalok ng murang bigas para magkaroon ng opsyon ang mga mahihirap sa abot kayang bilihin.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Asec. Evangelista na may inaasahan pang ani ang grupo ng mga magsasaka kaya posibleng tumagal pa ang bentahan ng ₱25 per kilogram ng bigas sa Kadiwa.

Sa ngayon, tumutulong na rin aniya ang DA para magkaroon din ng kasunduan o kontrata ang mga naturang magsasaka sa mga local government unit (LGU).  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us