Bumaba na ang naitalang volcanic earthquakes ng PHIVOLCS sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras, ngunit triple ang itinaas ng ibinibugang sulfur dioxide o SO2 ng bulkan.
Bagama’t nakitaan na ng pagbaba ng SO2 flux ang Bulkang Taal nitong mga nakalipas ng araw, muli itong pumalo sa 6,304 tonelada.
Ayon sa PHIVOLCS, ang pagtaas ng reading ng SO2 flux ang nagdudulot ng widespread volcanic smog o vog na agad rin namang bumababa at nawawala.
Pinangangambahan din ng mga residente malapit sa Bulkang Taal ang acid rain na namumuo kapag may pag-ulan at pagbuga ng gas ng bulkan sa mga lugar kung saan ang kumalat ang plume.
Maaari kasi itong magdudulot ng pinsala sa mga pananim at nakakaapekto sa mga metal na bubong ng mga bahay at gusali.
Ngunit paliwanag ng PHIVOLCS, agad naman itong mawa-wash out ng malakas na ulan. | ulat ni Hazel Morada