Idineklara ng Malacañang ang ika-20 ng Hunyo ng kada taon, bilang National Refugee Day.
Sa bisa ng Proclamation No. 265, binigyang diin ng Palasyo na kinikilala ng Pilipinas na higit 100 milyong indibiwal ang napipilitang umalis sa kanilang bansa, na nangangailangan ng proteksyon at pangangalaga sa kanilang kapakanan.
Nakaangkla ang hakbang na ito sa Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028, na naglalayong tulungan ang mga nangangailangan ng tulong, lalo na iyong mga biktima o naiipit sa gulo o gyera.
Hinihikayat ang lahat ng tanggappan ng pamahalaan, government-owned and controlled corporations (GOCCs), local government units (LGUs), state universities and colleges (SUCs), at iba pang organisasyon, na makibahagi at magpaabot ng kinakailangang suporta para sa implementasyon ng proklamasyong ito.
Pirmado ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang proklamasyon ika-20 ng Hunyo, 2023. | ulat ni Racquel Bayan