Ikalawang inter-operability exercise ng Philippine Army at Air Force, isasagawa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasunod ng tagumpay ng unang inter-operability exercise (IOX) ng Philipphine Army at Philipphine Air Force, pinagpaplanuhan na ng dalawang sangay ng sandatahang lakas ang kanilang ikalawang sabayang pagsasanay.

Ayon kay Phil. Army Spokesperson Col. Xerxes Trinidad, layon ng pagsasanay na mapahusay ang integration ng ground at air capabilities ng dalawang pwersa para sa mas epektibong joint operations.

Kaugnay nito, nagpulong kahapon sa Army Headquarters ang Army at Air Force planners para plantsahin ang mga detalye ng ikalawang IOX na isasagawa sa area of operations ng 5th Infantry Division.

Matatandaang unang isinagawa ang IOX exercise ng Army at Air Force mula Marso 7 hanggang 11 noong nakaraang taon sa area of operations ng 2nd Infantry Division.

Humigit kumulang isang libong tropa mula sa dalawang pwersa ang lumahok sa unang IOX kung saan nagsanay sila sa free-fall, bundle drop, helicopter sniping, fast rope insertion-extraction system, air evacuation, at communications and electronics exercise. | ulat ni Leo Sarne

📷: Sgt. Josel P. Sucayan PA/OACPA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us