Ilang biyahe sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbigay abiso ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) hinggil sa mga kanseladong biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw.

Batay sa abiso ng MIAA Media Affairs Division, ito ay dahil sa nararanasang masamang panahon sa destinasyon dulot ng habagat na hinihila ng bagyong Chedeng.

Kabilang sa mga nakanselang biyahe ngayong araw ay ang biyahe ng Philippine Airlines o PAL Express flight 2P 2196 na biyaheng Manila patungong Laoag.

Gayundin ang PAL Express flight 2P 2197 na biyaheng mula Laoag at pabalik ng Maynila.

Dahil dito, inaabisuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airline company para sa karampatang rebooking o refund sa kanilang mga biyahe. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us