Ilang domestic flights sa NAIA, kinansela dulot ng masamang panahon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kapwa nagbigay abiso ang Manila International Airport Authority (MIAA) gayundin ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Ito ay kasunod ng mga nakanselang domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bunsod ng naranasang masamang panahon sa destinasyon.

Sa abiso ng MIAA, kanselado ang CebGo flight DG 6043 at DG 6044 na biyaheng Manila patungong Busuanga at pabalik.

Samantala, sa abiso naman ng CAAP, kanselado rin ang biyahe ng Philippine Airlines o PAL Flight 2932 at 2933 na biyaheng Manila patungong Basco sa Batanes at pabalik. Dahil dito, pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kani-kanilang airline company para sa kaukulang rebooking o refund ng kanilang biyahe. | ulat  ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us