Ilang healthcare workers ng Taguig City, nakatanggap ng bivalent Omicron COVID-19 vaccine

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan na ang pagbabakuna ng mga medical frontliners mula Taguig-Pateros District Hospital, Medical Center Taguig, at Taguig Doctors Hospital sa isinagawang bakunahan sa Taguig Mega Vaccination Hub sa Lakeshore Hall, Brgy. Lower Bicutan.

Layon ng nasabing bakunahan na bigyan ang mga healthcare workers ng dagdag proteksyon kontra COVID-19 at mga subvariants nito tulad ng Omicron.

Sa talumpati ni Taguig City Mayor Lani Cayetano, sinabi nito na ipinapakita nito ang kapasidad at kahandaan ng lungsod na makapagbakuna sa unang araw pa lang ng pagdating ng mga bivalent COVID-19 vaccines.

Sinabi rin ng alkalde na makakaasa ang National Government at Department of Health sa ibayong pagpupursigi ng City Government ng Taguig upang maging maayos ang paglalatag ng programa.

Ayon naman kay Taguig National Immunization Program Medical Coordinator Dr. Jennifer Lou Lorico-De Guzman, unang babakunahan ang mga nasa A1 group at Subgroup A1.1 to A1.2 o mga health workers at hospital based frontliners na edad 18 taong gulang at pataas ayon sa prioritization framework na ibinaba ng DOH dahil sa limitadong logistics.

Hiningi ni Mayor Lani ang tulong ng mga health workers sa pagpapakalat ng mensahe tungkol sa kaligtasan, pagiging epektibo, at kahalagahan ng pagpapabakuna.  | ulat ni Gab Humilde Villegas

📸: Taguig PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us