Ilang kalsada patungong Monumento Circle sa Caloocan, isasara sa Araw ng Kalayaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas na ng abiso sa mga motorista ang Caloocan City LGU bilang paghahanda sa mga aktibidad na nakalatag sa selebrasyon nito ng ika-125 Araw ng Kalayaan sa Monumento Circle.

Batay sa Traffic Advisory nito, sa June 12 ay dose-oras na isasara sa mga motorista (mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-12 ng tanghali) ang ilang kalsadang patungo sa Monumento Circle partikular ang Rizal Avenue Extension Corner 10th Avenue at Samson Road.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga motoristang magmumula sa EDSA at papuntang McArthur Highway na dumaan sa parehong ruta o kaya ay sa Gen. Simon St. at kumaliwa sa Calle Uno.

Ang mga magmumula naman sa McArthur patungong Maynila ay maaaring kumanan sa Reparo Road, kumaliwa sa Caimito Road, at kumanan sa Samson Road.

Ang mga sasakyan na mula sa Rizal Avenue papuntang McArthur Highway ay maaaring kumaliwa sa 10th Avenue, kumanan sa Heroes Del 96, at kumaliwa sa Caimito Road o Dagohoy Street.

Kung mula sa Rizal Avenue, patungong EDSA, kumanan sa 10th Avenue at kumaliwa sa B. Serrano Street habang kung papunta namang Sangandaan, kumaliwa sa 10th Avenue at kumanan sa A. Mabini Street.

Sa mga manggagaling namang Samson Road papuntang Monumento Circle, maaaring dumaan sa A. Mabini o Heroes Del 96.

Ayon sa LGU, mgtatalaga ito ng mga kawani sa iba’t ibang bahagi ng lungsod upang gabayan ang mga motorista at masiguro ang maayos na daloy ng mga sasakyan sa lugar.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us