Ilang lugar sa Makati City, mawawalan ng tubig simula mamayang gabi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mawawalan ng tubig simula mamayang 9:30 ng gabi ang ilang bahagi ng Lungsod ng Makati dahil sa isasagawang line meter replacement ng Manila Water.

Batay sa inilabas nitong advisory, mawawalan ng tubig ang bahagi ng Barangay Valenzuela, Brgy. Poblacion, at Brgy. Olympia.

Magtatagal ang nasabing maintenance activity hanggang alas-3 ng madaling araw bukas.

Nagpaalala naman ang Manila Water sa mga customer nito sa mga apektadong lugar na mag-imbak ng sapat na tubig upang may magamit sa oras ng water interruption.  | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us