Ilang manggagawa sa QC, naliliitan sa inaprubahang ₱40 umento sa minimum wage sa NCR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bagamat good news para sa mga manggagawa ang naaprubahang dagdag sa minimum wage sa National Capital Region (NCR), aminado ang mga ito na maliit ang ₱40 na umento.

Matatandaang inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na inaprubahan ng NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang panibagong dagdag-sahod kung saan mula ₱570, ay magiging ₱610 na ang daily wage para sa non-agricultural sector, habang magiging ₱573 naman ang daily wage para sa agricultural sector.

Ayon kay Mang Jesus na isang driver, bitin ang ₱40 na dagdag sahod sa taas ng mga bilihin ngayon. Halos di daw niya ito mararamdaman dahil mapupunta lang ito sa pamasahe.

Si Aling Malak, ganito rin ang sinabi na nahihirapan aniya sa pag-budget ng maliit na sinasahod.

Ang sekyu namang si Jeff, sinabing sa liit ng naaprubahang umento, ay mauuwi pa rin siya sa pagbale ng sweldo.

Para sa mga ito, mas mainam kung iniakyat sa ₱100 ang kanilang arawang sweldo.

Kaugnay nito, umaasa naman ang mga manggaawa na agad susunod ang kanilang employer sa ipinatupad na umento sa minimum wage.

Magiging epektibo ang dagdag sahod simula sa July 16, 2023. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us