Aprubado na ng NEDA Board ang 59.4 kilometer Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) Extension Project na nagkakahalaga ng Php23.4 billion.
“This will substantially improve the economic environment in Northern Luzon because that will improve better access to provinces of La Union, Ilocos Norte, Ilocos Sur and neighboring areas. So, there will be a lot of opportunities that will be generated particularly employment opportunities will be generated.” — Secretary Balisacan.
Ito ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan ay isa lamang sa mga proyekto at guidelines na naaprubahan sa katatapos lamang na NEDA Board meeting na susuporta sa layon ng Marcos Administration na maabot ang development goals ng gobyerno.
Alinsunod pa rin ito sa Philippine Development Plan 2023-2028.
Inaprubahan rin sa pulong ang Investment Coordination Committee guidelines, para sa mga proyekto sa ilalim ng Public Private Partinersip sa LGU level.
Sa ilalim ng guidelines, binigyang diin ang papel ng Regional Development Councils na matiyak na naka-angkla sa national development plans ang mga proyektong ito.
“The NEDA Board has noted its earlier confirmation ad referendum of the ICC approval of the Department of Agriculture’s Philippine Rural Development Projects Scale-up or PRDP Scale-up. Its goal is to further enhance agricultural productivity, increase income opportunities and improve the living conditions of rural communities throughout the country.” —Secretary Balisacan.
Habang ni-review rin sa pulong ang unang progress report sa Infrastructure Flagship Projects sa ilalim ng Build Better More program.
Mula sa kabuang 194 projects, 68 ang on going, 25 ang naaprubahan na, habang 9 ang naghihintay na lamang ng government approval, at ayon sa kalihim, maaaring maaprubahan ito bago ang ikalawang SONA ng pangulo.
“These high-impact infrastructure projects are designed to address the nation’s infrastructure deficit to revive driving sustainable economic growth across priority sectors of our economy. In total, IFPs have an estimated cost of 8.3 trillion pesos.” —Secretary Balisacan. | ulat ni Racquel Bayan