Nakipagpulong sina Presidential Assistant for Eastern Mindanao Affairs Sec. Leo Tereso Magno at Davao City Mayor Sebastian Duterte sa Asian Development Bank (ADB) nitong, Biyernes (Hunyo 16, 2023) para sa Davao Public Transport Modernization Project.
Kasama sina National Economic and Development Authority 11 Regional Director Maria Lourdes Lim at ibang key officials ng Department of Transportation (DOTr), tinalakay sa nasabing pulong ang Davao Public Transport Modernization Project (DPTMP) o ang High Priority Bus System.
Sa isang pahayag, sinabi dito na napag-usapan sa pulong ang timeline ng project at ang magiging loan para sa implementayson bus system ng lungsod kung saan layunin nitong mapaganda ang transport system ng siyudad na convenient at abot kaya.
Ang High Priority Bus System na isa pitong major projects sa Davao Region na tinatarget ng NEDA 11 na maipatupad sa lalong madaling panahon.
Nagkakahalaga ang nasabing proyekto ng P80-billion kung saan 60% nito ay hihiramin ng national government mula sa ADB habang ang 40% ay manggagaling sa budget ng DOTr.
Samantala, magbibigay din ng P1.5-billion counterpart ang pamahalaang lokal ng Davao City para sa nasabing proyekto. | ulat ni Armando Fenequito | RP1 Davao