May 26 nang pamilya o katumbas ng 100 indibidwal sa lungsod ng Valenzuela ang inilikas sa mga evacuation center dahil sa mga pag-ulan dulot ng habagat.
Batay sa ulat ng local government unit (LGU), hanggang kaninang alas-8:00 ng umaga, may 4 na pamilya o 19 na indibidwal mula sa Barangay Arkong Bato ang inilikas na sa Bartolome Covered Court.
Habang 19 na pamilya o 71 indibidwal naman mula sa Barangay Veinte Reales ang dinala sa Luis Francisco Elementary School.
Bukod pa dito ang karagdagan pang 3 pamilya katumbas ng 10 pamilya ang lumikas din mula sa barangay Veinte Reales.
Dahil sa masamang panahon, nag-abiso din ang pamahalaang lungsod na ilipat ang COVID-19 vaccination sa Valenzuela City Social Hall mula sa Peoples Park.
Magtutuloy-tuloy ang bakunahan hanggang mamayang alas-4:00 ng hapon. | ulat ni Rey Ferrer