Umapela si OFW Party-list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino sa Department of Migrant Workers (DMW) na imbestigahan ang iligal na pagputol sa kontrata ng walong OFW sa Riyadh, Saudi Arabia.
Sa tulong ng OFW party-list ay napauwi ang walong OFW na na-stranded sa Riyadh na wala man lang pantustos matapos kanselahin ng kanilang employer ang kanilang kontrata noong November 2022.
Ani Magsino, dapat imbestigahan ng DMW ang naturang employer pati na ang recruitment agency na pinabayaan na lamang umano ang mga kababayan natin.
“It is unacceptable that our OFWs were not only wrongly terminated, but were also left to fend for themselves while stranded for 6 months. We should pursue appropriate legal actions or administrative sanctions against the recruitment agency here in the Philippines that disregarded the welfare of our kababayans,” sabi ni Magsino.
Giit pa ni Magsino na mayroong responsibilidad ang naturang recruitment agency na tiyakin na maayos ang kalagayan ng ipinapadala nitong OFW.
Kaya hirit nito, kanselahin na rin ang operasyon ng naturang agency kung mapatunayang nagkulang ito sa pagtugon sa pangangailangan ng mga OFW.
“The erring foreign company must no longer be allowed to hire Filipino workers lest a similar incident occur,” dagdag ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes