Iloilo City gov’t at Zonta Club, nagsagawa ng tree planting activity bilang bahagi ng World Environment Month

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ng isang Tree Planting Activity ang Iloilo City government at Zonta Club of Iloilo City Inc. sa Diversion Road, Mandurriao, Iloilo City bilang pakikisama sa World Environment Month 2023 ngayong Hunyo.

Nagtanim ng 50 tree saplings ng Katmon Sibuyan Tree ang grupo kasama ang Urban Forest Office-Kaingin Nursery Agri at Technical Institute of Iloilo City-Molo Campus.

Suportado ni Iloilo City Mayor Jerry Trenas ang tree planting activity dahil kabilang sa kanyang mga prayoridad ang pagpapatupad ng green projects ng lungsod.

Isinusulong rin ng alkalde ang pagtatanim ng native trees sa mga barangay, paaralan, at real estate sa lungsod sa pamamagitan ng pagpasa ng isang executive order noong nakaraang Marso. | ulat ni Emme Santiagudo | RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us