Importansya ng “duck, cover and hold” kapag lumilindol,ipinaalala ng OCD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling ipinaalala ng Office of Civil Defense ang kahalagahan ng “duck, cover and hold move”, kasunod ng nangyaring 6.3 magnitude na lindol sa Batangas kahapon.

Bilin ng OCD, kapag makaramdam ng pagyanig, agad magtago sa ilalim ng matibay na mesa at kumapit sa mga paa nito.

Ayon sa OCD, ang pagiging alerto ang susi sa kaligtasan sa panahon ng sakuna, kaya dapat maging “aware” sa mga panganib sa kapaligiran.

Kasama na rito ang mga bagay na posibleng bumagsak at tumama sa katawan.

Ayon pa sa ahensya, dapat umiwas sa mga bintanang salamin, mga aparador

at mabibigat na gamit na maaring mahulog.

Kapag tumigil na ang pagyanig, agad na lisanin ang gusali at pumunta sa evacuation area. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us