Ginaganap ngayong umaga ang in-person examination ng University of the Philippines College Admission Test (UPCAT) sa iba’t ibang Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa bansa.
Muli itong isinagawa ng UP matapos ang tatlong taong suspensyon dahil sa COVID-19 pandemic.
Dalawang araw gaganapin ang pagsusulit sa halos 100 testing centers sa buong bansa.
Maaga pa lang, mahaba na ang pila ng mga estudyante na nagmula pa sa iba’t ibang paaralan para kumuha lang ng pagsusulit ngayong araw.
Dalawang set ng pagsusulit ang naka-schedule ngayong araw, una ay mula 6:30 hanggang alas-12:00 ng tanghali at alas-12:30 hanggang alas-5:00 ng hapon. | ulat ni Rey Ferrer